Bangsamoro Organic Law, sinusuportahan ni SAP Bong Go 

Nagpaabot ng kanyang pagsuporta ang top aide ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Bangsamoro Organic Law.

Ayon kay Go sa panayam sa media sa Pantukan, Compostela Valley Province kahapon, Hulyo 19, sinabi ng opisyal na makatutulong umano ito upang makamit ang kapayapaan sa Mindanao.

Tutulong din umano si SAP Go sa kampanya upang sang-ayunan ang batas ng mga Mindanaoans.

Matagal na umanong hinihintay ng Moro people ang approval nitong organic law para sa Bangsamoro na mas nakilala na Bangsamoro Basic Law.

Kinumpirma ni Sap Go na kahit ang liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay umaasa rin na kanyang susuportahan ang pagpapatibay sa batas.

Masaya umano ang opisyal sa pagkapasa sa naturang batas na matagal ng hinihintay ng Moro people.

Ginawa ni Go ang pahayag sa sidelines nang mass oath-taking sa mga bagong miyembro ng Hugpong ng Pagbabago sa Pantukan Municipality sa Compostela Valley Province.

Noong Miyerkules, inaprubahan ng Bicameral Conference Committee ang nasabing organic law para sa Bangsamoro matapos ang anim na araw ng deliberasyon sa panel ng Senado at House of Representatives sa pag-reconcile sa kani-kanilang bersyon.  | ulat ni Ruth Palo-Dumandan