Ban sa pagpapadala ng skilled at semi-skilled workers sa Kuwait, tinanggal na

Dalawampung-libong skilled at semi- skilled workers ang inaasahang madi-deploy sa Kuwait sa gitna ng tuluyang pag-aalis sa deployment ban ng mga manggagawang Pinoy sa nasabing bansa.

Sa press briefing sa MalacaƱang, inihayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na itutuloy na muli ang pagpapadala ng mga trabahante sa Kuwait kasunod ng pagkakalagda sa memorandum of agreement sa pagitan ng pamahalaang Kuwait at ng Pilipinas.

Pero paglilinaw ni Roque, hindi pa kasama ang domestic workers sa pag-aalis ng deployment ban gayung ang saklaw lamang ng lifting ay ang mga nasa hanay ng skilled at semi skilled workers.

Pero susunod na rin ani Roque na ipatupad ang lifting sa deployment ban sa hanay ng Pinoy domestic providers dangan lang at hindi niya batid kung kailan ito mangyayari.

Una ng sinabi ng Palace Spokesperson na balik na sa normal ang relasyon ng dalawang bansa matapos na maayos ang gusot at hindi pagkakaunawaan. | via Alvin Baltazar