Ban sa pagpapadala ng mga DH sa Kuwait, pinatatanggal na ni Pangulong Duterte

Inutusan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na tanggalin na rin ang deployment ban sa hanay ng mga Pinoy domestic workers o providers sa Kuwait.

Ang direktiba ay inisyu kagabi ng Pangulo kay Bello na kinumpirma naman ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.

Sinabi ni Roque na ang kautusan ng Pangulo sa pagtanggal ng total ban sa mga manggagawang Pinoy workers sa Kuwait ay ginawa bunsod na rin ng rekomendasyon ni Special Envoy to Kuwait Abdullah Mama-o.

Matatandaan nitong nagdaang Lunes ay nauna ng inalis ang deployment ban sa mga semi-skilled at skilled worker na sinundan nga kagabi ng lifting sa deployment ban sa mga domestic worker.

Kahayagan rin ani Roque ito na plantsado na ang anumang gusot na namagitan kamakailan sa pagitan ng Pilipinas at ng Kuwait. | via Alvin Baltazar