Ballast water management sa PH, paiigtingin

Pinag-ibayo ngayon ng pamahalaan ang ballast water management o BWM sa mga sektor ng mga sasakyang pandagat, ito ay para matiyak ang proteksyon ng mga marine life sa mga karagatang sakop ng bansa.

Sinabi ni MARINA – Shipyards Regulation Service Director Ramon Hernandez, bahagi ng pagpapaigting ng BWM ay ang inilunsad na seminar workshop para sa mga stakeholder sa Philippine shipping sector na nagsimula nung September 18 at magtatapos ngayong araw, September 20.

Ayon kay Hernandez, layunin ng nasabing workshop na maimulat ang sektor sa panganib o banta ng hindi tamang pagtatapon ng tubig galing sa mga barko sa ating yamang dagat.

Lahat ng barko ay karaniwang nagkakarga ng tubig na kinuha mula sa karagatan at nilalagay sa kanilang ballast tank upang matiyak ang navigational safety nito.

Pero dahil sa dini-discharge din sa ibang karagatan ang naipong tubig sa ballast tank, kasamang nailalabas ang mga organismo o biological materials na nakuha na maaaring magdulot ng masamang epekto sa marine life.

Ayon sa International Maritime Organization (IMO), ang BWM ay isa sa maituturing na banta sa mga karagatan sa mundo.

Plano na ring isapinal ng MARINA, Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang ahensya ng gobyerno, ang ilalabas na rules and regulations patungkol sa napagkasunduan sa ginanap na BWM Convention.