Balak na random drug test ng PDEA sa mga tatakbong senador hanggang konsehal, dapat voluntary – Malakanyang

Pabor ang Palasyo na dumaan sa drug testing ang mga kandidato para sa midterm elections.

Ito’y batay na rin sa iminumungkahi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mapasailalim sa random drug testing ang mga tatakbo, mula senador hanggang konsehal.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, boluntaryo lang at hindi dapat sapilitan ang pagpapa-sailalim sa drug testing ng isang kandidato.

Katwiran ni Panelo na kung wala namang itinatago ang isang kandidato, tiyak na sasalang ito sa voluntary drug testing.

Tiyak na kalbaryo naman ito ayon kay Panelo sa mga opisyal ng gobyernong tatakbo na kabilang sa order of battle o narco-list ng Pangulo.  | ulat ni Alvin Baltazar