Bakunang makukuha ng bansa sa susunod na buwan, tinatayang aabot ng 4 hanggang 6 na milyong doses -Presidential Spox Harry Roque

Palaki na ng palaki ang bilang ng doses ng bakuna na makukuha ng bansa sa harap ng nagpapatuloy na vaccination program ng gobyerno.

Sa katunayana ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay nasa 4 anggang 6 na milyong doses ang inaasahang darating sa buwan ng Mayo.

Ito ay halos triple na sa nakuhang
2,160,000 na nakuha sa buwan na ito ng Abril.

Dagdag ni Roque na sa pagsapit naman ng Hulyo ay dito na aarangkada ang pagdating ng supply ng bakuna kung kailan ibubuhos na ito sa general public.

Dito ani Roque magsimulang makakuha ng 20 million doses kada buwan ang bansa na kung saan ay pitong brand ang maaari ng pagpilian ng ating mga kababayan.