Bagong variety ng liquid ecstacy, nadiskubre ng PDEA

Aabot sa 666 libong piso ang halaga ng illegal drugs na nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang buy bust operation sa isang condominium sa Mandaluyong City.

Aabot sa 666 libong piso ang halaga ng illegal drugs na nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang buy bust operation sa isang condominium sa Mandaluyong City.

Bukod sa nasamsam na liquid ecstacy at cocaine, arestado din ang supplier nito na si Lester Almalbez 35 anyos at residente ng unit 410 Princeville Condominium, matapos isagawa ang entrapment operation kagabi.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino
sinalakay ng mga tauhan ng PDEA-Special Enforcement Service ang kinaroroonan ni Almalbez matapos sumailalim ito sa surveillance operation.

Nakumpiska sa kanyang pag-aari ang liquid ecstacy na nakalagay sa 20 bote ng energy drink, 1.6 na litro ng liquid ecstacy na may street value na P480,000 pesos, kabilang ang 70 piraso ng ecstacy tablet na may halagang P46,000 pesos at anim na pakete ng cocaine na nagkakahalaga ng P140,000 pesos.

Sinabi ni Aquino, hindi isinasantabi ng PDEA ang posibilidad na mayroon na namang bagong variety ng ecstacy na hinahaluan ng cocaine at ikinakalat na sa mga bar at night clubs.

Kaugnay nito, palalawakin na ng PDEA ang kanilang intelligence gathering para maaresto ang mga tiwaling elemento na responsable sa makabagong trend ng illegal drug tafficking. | via Rey Ferrer