Bagong police recruits, nanumpa sa Camp Crame

Nanumpa ang 115 bagong Philippine National Police (PNP) recruits sa tungkulin ngayong umaga sa transformation oval ng Camp Crame, matapos na makumpleto ang basic police training course.

PANOORIN | Oath Taking ng mga bagong Recruit ng PNP na na-appoint bilang pulis sa PNP Transformation Oval sa Camp Crame

PANOORIN | Oath Taking ng mga bagong Recruit ng PNP na na-appoint bilang pulis sa PNP Transformation Oval sa Camp Crame. Nitong Lunes ay pormal nang inilipat sa pamahala ng PNP mula sa Philippine Public Safety College ang National Police Training Institute sa Camp Vicente Lim sa Calamba Laguna, kung saan sinasanay ang mga bagong police recruit. | via Leo Sarne

Posted by Radyo Pilipinas on Tuesday, 8 October 2019

Ayon kay Police BGen. Lyndon Lawas, director ng PNP Training Service, papasok na bilang patrolman at patrolwoman ang mga police recruit.

Dahil epektibo na ngayong araw ang kanilang panunungkulan, tatanggap na rin sila ng P29,600 na basic monthly pay para sa pinakamababang ranggo ng pulis.

Ayon Kay Lawas, isasalang muna ang mga bagong recruit sa regional training office sa Pampanga at mag on the job training sa iba’t ibang police station sa bansa.

Nagbabala naman si Lawas sa mga police recruit, na maging tapat sa kanilang police officers pledge at sumunod sa legal order ng PNP, dahil temporary status lang muna ang ipinagkaloob sa kanila.

Isang taon na assessment ang gagawin bago maging regular status ang mga recruit.