Bagong missile frigate BRP Antonio Luna, nagpatrolya sa Malampaya gas field

Nagsagawa ng maritime and sovereignty patrol ang bagong missile frigate ng Philippine Navy, ang BRP Antonio Luna (FF-151), sa Malampaya gas field sa Palawan.

Bahagi ito ng suporta ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa national development program, at pagtupad sa kanilang mandato na pangalagaan at protektahan ang maritime interest ng bansa.

Ayon kay JTF Malampaya Commander Brigadier General Roberto Velasco, malaking tulong ang ginawang pagpapatrolya ng frigate sa lugar kahit hindi naman nagagawi doon ang mga barko ng China.

Ang Malampaya gas field o ang Malampaya-Camago field, ay isang deep water gas-condensate reservoir na matatagpuan 65 km Northwest ng Palawan.

Simula ng mag-operate ang Malampaya Project npong January 2002, nakapag ambag na ito ng mahigit US$12 billion na kita sa gobyerno ng Pilipinas.

Nagsu-supply din ang Malampaya ng natural gas sa limang power plants sa Luzon.