Bagong mascot ng PNP para sa gender development, ipinakilala sa flag raising ceremony sa Camp Crame

Pormal na ipinakilala sa publiko si PO1 Gadee, ang bagong mascot ng Philippine National Police (PNP) sa pagtataguyod ng gender and development concepts ng PNP.

Iprinisinta si PO1 Gadee kay PNP Chief Oscar Albayalde sa flag raising ceremony ngayong umaga sa Camp Crame.

Si PO1 Gadee ang latest mascot ng Police Community Relations Group para makatulong sa public relations campaign ng PNP.

Noong October 2017 inilunsad ang kompetisyon para sa disenyo ng bagong mascot at ang nanalong disenyo ay napili noong Enero 2018.

Kasabay ng flag raising ceremony ngayong umaga ang pagsasara ng ikadalawampu’t tatlong PCR o Police Community Relations month ngayong Hulyo. | ulat ni Leo Sarne