Bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa, tumaas ng 23% sa nakalipas na 7 araw

Tumaas ng 23% ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa sa nakalipas na pitong araw.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, ito ay kung ikukumpara sa 5,395 na daily average cases noong Hulyo 20 hanggang 26.

Sa ulat sa bayan ni Pangulong Duterte, sinabi ni Sec. Duque na posibleng ang mas nakahahawang delta variant, ang isa sa mga dahilan para sa pagtaas ng kaso.

Ibinalita rin ng kalihim na sa mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala kahapon, ay nanguna ang NCR na may 2,074, sinundan ito ng CALABARZON, Central Visayas, Central Luzon at Western Visayas.