Bagong kaso ng COVID-19 na naitala ngayong araw, nananatili sa mahigit 5,000

Base sa latest bulletin ng Department of Health (DOH) ngayong hapon, ay nakapagtala ng 5,257 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Mas mataas ito ng bahagya kumpara sa 5,177 na naiatala kahapon.

Bunsod nito ay umakyat na sa 1,240,716 ang total number of COVID cases sa buong bansa.

Mula sa naturang datos ay 52,132 ang kasalukuyan pang nagpapagaling o nasa aktibong kaso.

Samantala, nasa 146 naman ang nadagdag sa bilang ng mga namatay ngayong araw, na mas mataas naman kumpara sa mga nasawi kahapon.

Sa kabuuan, ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay ay umakyat na sa 21,158 sanhi ng COVID virus.

Aabot naman sa 6,266 ang mga bagong gumaling na mas mataas sa 6,230 na naitala kahapon.

Bunga nito ay umabot na sa 1,167,426 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa virus sa buong bansa.

Ang positivity rate ngayong araw ay naitala sa 12.8 % mula sa sumalang sa testing na 37, 822.