Bagong infomercials ng PNP inilunsad para sa mas malawak na community support sa kampanya kontra krimen

Inilunsad ng Philippine National Police ang kanilang bagong infomercials na inisyal na ipalalabas sa Ayala Mall theaters.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, layon infomercials na himukin ang publiko na tumulong sa kampanya kontra kriminalidad at droga.

Ito’y sa pamamagitan ng pagpapalabas ng makatotohanang impormasyon kaugnay ng kampanya kontra droga ng pamahalaan para mapawi na rin ang mga maling impresyon ng mga kritiko.

Dagdag ng PNP chief, malaki ang naitulong ng community support sa pagbaba ng krimen sa buong bansa na nasa pinakamababang antas ngayon simula nang manungkulan ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinangunahan ni Albayalde ang first screening ng bagong infomercials ng PNP sa Greenbelt 3 Cinema sa Makati kahapon.

Ayon sa PNP chief, ipalalabas din ang infomercials sa mga SM cinema sa darating na panahon. | ulat ni Leo Sarne