Bagong hepe ng NCRPO, inanunsyo na ni incoming PNP Chief Dir. Oscar Albayalde

Inanunsyo na ni incoming PNP Chief Oscar Albayalde ang kanyang magiging kapalit sa NCRPO ay si PNP Directorate for Operations Director Camilo Pancratius Cascolan.

Kinumpirma naman ni Cascolan ang pagkakatalaga sa kanya bilang bagong NCRPO Director at sinabing possibleng ngayong araw ilabas ang pormal na kautusan.

Si Cascolan ay mistah ni Albayalde sa Philippine Military Academy Sinagtala’ Class of 1986.

Kasabay nito, inihayag din ni Albayalde na si Region 4A Regional Director Chief Supt Ma-O Aplasca ang papalit sa babakantehing pwesto ni Cascolan.

Habang si QCPD Director Guillermo Eleazar naman ang magiging bagong Director ng Region 4A. 
Papalit naman kay Chief Supt Eleazar sa QCPD si Chief Supt. Joselito Esquivel na kasalukuyang nakatalaga sa the Directorate for Intelligence. | via Leo Sarne