Bagong halal na barangay chairman, arestado sa iligal na droga

Inaresto ng Philippine National Police (PNP) BulacanĀ  ang isang kauupo lang na barangay chairman dahil sa iligal na droga.

Kinilala ni Police Chief Supt. Amador Corpus, Regional Director ng Central Luzon ang arestadong suspek na si Doris Abraham, 50
taong gulang, isang sales agent at bagong chairman ng Baranggay Sampaloc, San Rafael, Bulacan.

Nahuli si Abraham sa isang anti-drug operation kahapon sa naturang barangay, kung saan narecover sa kanya ang anim na paketeng hinihinalang shabu.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng San Rafael Municipal Police Station ang suspek.

Magugunitang bago maghalalan nagpalabas ang Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ng narco-list ng mga barangay officials, sa layong maiwasan ng publiko na iluklok ang barangay officials na may kinalaman sa iligal na droga.

Samantala, sinabi naman ni Corpus na patuloy silang maghihigpit sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga at wala umano silang sasantuhin kahit na mga halal na opisyal. | Ulat ni Leo Sarne