Bagong evacuation building sa Comval province, pinasinayaan

Pinasinayaan kahapon ang bagong evacuation building sa Compostela Valley Province, kung saan kumpleto ito sa mga pasilidad tulad ng paliguan, kusina, kanya-kanyang comfort room para sa lalaki at babae at person with disability (PWD), breastfeeding room, first aid treatment room, double deck beds at administration room.

Isang daan at dalawampung evacuees ang maaaring ma-accommodate sa naturang building, meron din itong power generator na mag-susupply ng kuryente sakaling may power interruption.

Ayon kay Nabunturan Municipal Information Officer Recie Lambo, na bukod sa evacuation center maaari ring magamit ito bilang training o conference hall.

P6.5 million pesos ang inilaang budget ng gobyerno sa naturang evacuation building, na itinayo sa Barangay Magsaysay, Nabunturan, Compostela Valley province. | ulat ni Macel Mamon Dasalla – Radyo Pilipinas Davao