Bagong District Directors ng NPD at MPD, itinalaga ni PNP Chief

Nagtalaga ng mga bagong District Director sa Northern Police District (NPD) at Manila Police District(MPD) si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde.

Base sa general order number 3918 na inilabas kahapon, si MPD Director Chief Supt Rolando Barajan Anduyan ang uupong bagong NPD director epektibo sa November 17, 2018.

Papalitan ni Anduyan si NPD Director PCsupt Gregorio Noto Lim, na magreretiro sa serbisyo sa November 17.

Habang si Dating Davao Police Chief SSupt Vicente Dupa Danao naman, ang itinalagang Acting MPD Director epektibo ngayong araw, kapalit ni CSupt Anduyan. | ulat ni Leo Sarne