Bagong batch ng Sinovac para sa natitirang A1 sa Batanes, dumating na

Dumating ngayong araw lulan ng Sky Pasada, ang 498 vials ng Sinovac vaccine sa lalawigan ng Batanes.

Gagamitin ang dumating na vaccines para ipagpatuloy ang pagbabakuna sa mga nasa listahan ng A1 sa probinsya, na hindi pa nabakunahan sa nagdaan na mga vaccination.

Nasa Provincial Health Office vaccine freezer ngayon ang mga vial, at ayon sa PDOHO-Batanes, papaalalahanan na ang mga RHU upang makapagtakda na ng araw para sa vaccination simula bukas.