Bagong AFP Chief, magdo-doble time para tapusin ang problema sa mga komunista

Magtratrabaho ng double time ang bagong talagang Atmed Fotces of rhe Philippines (AFP) Chief of staff na si Lt. Gen Benjamin Madrigal para masunod ang utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin na ang problema sa kapayapaan partikular sa mga komunista.

Ito ang sinabi ni Madrigal matapos na pormal na manungkulan bilang ika-51 pinuno ng AFP, kapalit ni dating AFP Chief Carlito Galvez Jr.

Sinabi ni Madrigal na maganda ang resulta ng localized peace talks sa Eastern Mindanao na kanyang sisikaping gayahin sa iba pang mga NPA-infested areas.

Maganda rin aniya na may nilikha nang national task force para tapusin ang local insurgency upang mapabilis ang pagsuko ng mga komunista.

Kahit na aniya natigil na ang formal peace talks, tuloy-tuloy pa rin ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa mga NPA sa local level.

Kailangan lang aniya ang tamang tao ang kakausapin at hindi ang mga tinaguriang pinuno na wala namang kontrol sa kanilang mga pwersa.  | ulat ni Leo Sarne