Backlog cases ng DENR, bumaba

Naibaba na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa 62 percent ang mga backlog case sa loob ng isang taon.

Base sa report ng Legal Affairs Service (LAS) ng DENR, ang bilang noong Enero ay nasa 559 na lamang ang backlog cases kung ikukumpara sa 1,482 noong Enero 2018.

Ayon kay LAS Director Norlito Eneran, karamihan sa mga kasong ito ay may kaugnayan sa sigalot sa lupa.

Sa ilalim ng Zero Backlog Task Force, tinukoy at niresolba ng motu propio o hindi na mangangailangan ng paghaharap ng mga kontra partido.

Nagpatupad ang DENR ng Alternative Dispute Resolution training activities sa buong bansa, kung saan may mga non-lawyer personnel na namamagitan sa nagtutunggaling partido.