Away-politika, isa sa mga anggulo ng pananambang sa mayor at vice mayor ng Balaoan, La Union

Tinitignan ng Philippine National Police (PNP) ang anggulong politika bilang posibleng motibo sa pananambang kahapon sa mayor at vice mayor ng Balaoan, La Union.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, sa isang press conference sa Camp Crame kahapon, kasabay ng pagsabi na ito’y dahil sa sadyang mainit ang laban ng politika sa La Union.

Hindi naman masabi ng PNP Chief kung ang insidente ay may kinalaman sa unang pananabang at pagpatay kay Sudipen, La Union Mayor Alexander Boquing na nangyari noong nakaraang buwan sa pareho ding lugar.

Ayon sa PNP Chief, walang iniulat na death threats laban sa mayor at vice mayor ng Concepcion ang mga lokal na opisyal ng kapulisan.

Tinitignan din ng PNP ang posibilidad na Private Armed Group ang nagsagawa ng pananambang.

Una nang binunyag ng PNP Chief, na may mga politiko na kumukuha ng serbisyo ng Private Armed Groups para likidahin ang kanilang mga kalaban sa politika. | ulat ni Leo Sarne