Avengers Infinity War, record breaking sa box office ang kita

Sa loob ng labing isang araw, umabot agad ng isang (1) bilyong US dollars ang kinita ng Avengers Infinity War sa buong mundo. Hindi pa kabilang dito ang Chinese audience, dahil sa Mayo 11 pa magbubukas ang pelikula doon.

Una nang nabasag ng Avengers Infinity War ang record para sa pinakamalaking global opening sa kasaysayan ng pelikula.

Ito na ang ika-anim na pelikula ng Marvel at pang labimpito naman ng Disney, na nakapagtala ng bilyon sa kita nito. | via Kathleen Forbes

Photo courtesy: https://bit.ly/2KEXRq0