Automation ng pagbilang ng kita ng STL, pinag-aaralan ng PCSO

Balak nang i-automate ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagbibilang sa kita ng mga small town lottery (STL).

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, paraan ito upang matiyak na eksakto ang kita at tama ang halagang inire-remit ng STL sa pamahalaan.

Imbes aniya na isinusulat sa papel ay posibleng mag-isyu na lamang ng parang ticket tulad sa bus na mayroong katumbas na halaga.

Paraan din daw ito upang maiwasan ang korapsyon sa remittance ng kita ng STL.