Australian missionary na si Sister Fox, humihiling ng katarungan

Umaapila ng katarungan ang Australian missionary na inaresto at idinitine ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI).

 

Hiling ng 71 taong gulang na misyonaryong si sister Patricia Fox na mabigyan siya ng “due process.”

 

Una nang sinabi ng Commission on Human Rights (CHR), na walang basehan ang umano’y pagkakaaresto kay Fox.

 

Kaninang umaga ay nakipagkita si Fox sa human rights investigators ng komisyon.

 

Giit ng CHR, kung hindi mabibigyan ng katarungan ang ginawa kay fox ay magiging “dangerous precedent ito sa mga foreign human rights workers.” | via Melany Valdoz-Reyes