Augmentation support ng DSWD sa lugar na naapektuhan ng bagyong Dante, nakahanda ng ipamahagi

Handa nang magbigay ng augmentation support ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa mga lokalidad na dinaanan ng Tropical Storm Dante.

Sa ngayon, may kabuuang standby resources ang DSWD na nagkakahalaga ng P1.105 bilyon.

Ang P225 milyon dito ay inilaan bilang standby funds, P113 milyon para sa 222,382 family food packs, at P766 milyon para sa food and non-food items.

Bukod dito, mayroon pang P181.2 million na available standby funds ang DSWD Central Office, na nakahanda para sa response at early recovery operations.

Ang mga nabanggit na resources, ay naka-preposisyon sa 17 regional warehouses at 34 na DSWD warehouses sa buong bansa, lalo na sa mga rehiyon na maaapektuhan ng bagyo.