Architect Palafox, makakasama sa mga consultant ng gobyerno tungkol sa pagsasaayos ng Boracay

Wala pa ring naibabang desisyon ang DENR, DILG at DOT sa posibilidad ng pansamantalang pagsasara ng Boracay Island.

Wala pa ring naibabang desisyon ang DENR, DILG at DOT sa posibilidad ng pansamantalang pagsasara ng Boracay Island.

Sa press briefing sa Malakanyang ngayong araw, sinabi ni Secretary Harry Roque na magkakaroon pa lang ng second round ng meeting ngayong linggo sina Environment Secretary Roy Cimatu, Tourism Secretary Wanda Teo at DILG-OIC Eduardo Año tungkol sa sitwasyon ng isla.

Noong Biyernes, isinagawa ang unang round ng meeting sa pagitan ng tatlong kalihim.

Makakasama rin aniya si Urban Planner Architect Jun Palafox bilang isa sa mga consultants ng magiging hakbang ng gobyerno.

Bago ito, una nang nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na posible niyang ideklara ang state of calamity sa isla ng Boracay para agad na malinis at maisaayos ang Boracay. | via Nimfa Asuncion