Araneta Center, ginawa nang mega vaccination site ng QC gov’t

Inanunsyo na ng Quezon City government na isa nang mega vaccination site ng lungsod ang Smart Araneta Coliseum sa Cubao.

Ito’y matapos pumayag ang Araneta Group na gamitin ng city government ang kanilang pasilidad para mapabilis ang pagbakuna sa mga priority groups.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, asahan na sa darating na sabado ang maramihang pagbakuna laban sa COVID 19 sa Araneta Center.

Pagtaya ng alkalde kayang makapagbigay ng 1,000 hanggang 1,500 COVID shots kada araw sa Big Dome.

Nangako din ang Araneta Group na tutulong din sa inoculation ang kanilang sariling medical personnel.