Aquino at iba pang opisyal pinawalang-sala sa kasong reckless imprudence kaugnay ng Mamasapano clash

Ibinasura ng Supreme Court En Banc ang petition for certiorari na kumukwestyon sa ginawang pagbabasura ng Ombudsman sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating PNP chief Alan Purisma, at dating Special Action Force (SAF) chief Getullo NapeƱas na isinampa ng mga nabyuda ng 44 na PNP-SAF o mas kilala sa SAF 44 at ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC.

Unanimous ang naging desisyon ng mga mahistrado sa botong 15-0 kung saan sinabi nito na walang naging pag-abuso sa panig ng Ombudsman na nagsasabing walang probable cause para kasuhan sina dating Pangulong Aguino ng multiple homicide kaugnay ng nangyaring masaker sa Mamasapano, Maguindanao.