Appropriations Committee chair, tiniyak na di magkakaroon ng delay sa 2022 nat’l budget

Kumpiyansa si House Appropriations Chair Eric Yap, na on time maipapasa ang 2022 proposed national budget.

Ayon sa kinatawan, pasok pa rin sa itinakdang schedule ang diskusyon nila ng ehekutibo patungkol sa budget para sa susunod na taon.

Sa hiwalay namang text message, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado, na nasa Final Executive Budget Review na ang 2022 National Expenditure Program (NEP).

Aminado naman ito na kailangan nila ng palugit para maisumite ang proposed 2022 National Budget sa Kongreso, ngunit pasok pa rin aniya ito sa time frame na itinatakda ng batas.

Binibigyan ng 30 araw ang Development Budget Coordinating Committee (DBCC) mula sa pagbubukas ng regular session ng Kongreso, upang maisumite ang NEP.