Appointment papers ni Berna Romulo-Puyat bilang kalihim ng Dept. of Tourism, inilabas na ng Malacañang

Inilabas na ng Palasyo ang appointment papers ni Bernadette Fatima Romulo Puyat bilang bagong kalihim ng Department of Tourism.
 
Mayo 11 nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment papers ni Berna Romulo-Puyat o eksaktong tatlong araw matapos magbitiw sa puwesto si dating DOT Chief Wanda Teo.
 
Kabilang din sa nilagdaang appointment papers ng Presidente ay ang kay Abdullah Mama-o na itinalaga bilang Special Envoy of the President to the State of Kuwait.
 
Sa kabilang dako, si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Karen Jimeno ay inilipat na ng bagong ahensiya.
 
Mula Public Works and Highways Department, itinalaga si Jimeno bilang Undersecretary for Disaster Resiliency na nasa ilalim ng tanggapan ng Presidential Management Staff, Office of the President. | via Alvin Baltazar