Apology letter ng Inquirer, unacceptable — Sec. Panelo

Hindi sapat ang paumanhin ng Inquirer.net  para kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo upang itigil nito ang balak na pagsasampa ng kasong libelo.

Ito, ayon kay Panelo, ay dahil nakalakip sa apology letter ng Inquirer.net ang paliwanag na in-update na nila ang kinu-kwestyon niyang article matapos i-clarify o linawin ng kalihim na hindi niya inirekomenda bagkus ay ini-refer lamang sa Bureau of Pardons and Paroles (BPP)  ang liham kaugnay sa aplikasyon ng executive clemency ni dating Calauan Mayor Antonio Sachez.

Ayon kay Panelo, unacceptable ang paumanhin na ito, dahil wala naman siyang ginawang clarification.

Malinaw naman aniya na ini-refer lamang niya ang liham sa BPP.   Ang ibang pahayagan naman aniya ay ganito ang pagkakasulat, at tanging ang Inquirer.net at Rappler lamang ang naiiba.

Ayon kay Panelo, magsilbi na sana itong babala sa mga pahayagan, journalist at editors na kahit ginagarantiya ng Konstitusyon ang kalayaan sa pamamahayag, dapat pa ring tiyakin na ang mga salitang ginagamit sa pag-uulat ay tama alinsunod sa kanilang mandato na maghatid ng totoo at walang pinapaborang balita.