Aplikante sa pagka-pulis, pinatay ng pinaghihinalaang NPA sa Sorsogon

Pinatay ng mga armadong kalalakihang pinaghihinalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang aplikante sa pagkapulis sa Sorsogon.

Kinilala ni PRO 5 Regional Director CSupt. Arnel Escobal ang biktima na si Anthony Gestiada ng Sitio Balading, Brgy. Sto. Domingo, Irosin, Sorsogon, na graduate ng BS Criminology.

Batay sa police report, sapilitang pinasok ng 10 armadong suspek ang bahay ng biktima sa naturang lugar bandang alas-9:30 kagabi.

Tinanong ng mga suspek ang biktima kung aplikante ito sa pagkapulis bago pinagbabaril.

Agad umanong tumakas ang mga suspek sakay ng isang van na walang plaka.

Ang mga miyembro ng NPA ang itinuturong suspek sa krimen dahil ayaw nilang maging pulis ang biktimang si Gestiada.  | ulat ni Leo Sarne