Apela ng ilang consortium para sa third telco, ibinasura ng NTC

Ibinasura na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang apela ng ilang consortium na kumukwestyon sa Mislatel na napiling maging third telco sa bansa.

Kabilang sa naghain ng Motion for Reconsideration na pinawalang saysay ng NTC ay ang PT & T Corporation at ang Sear consortium ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson.

Sa apela ng grupo ni Singson, hiniling nito sa NTC na bawiin ang paggawad sa Mislatel bilang third telco sa bansa dahil hindi daw ito kuwalipikado.

Sa isinagawang selection process ng NTC ang Mislatel consortium ang napiling kuwalipikado bilang third telco.

Ang Mislatel o Mindanao Islamic Telephone Company Incorporated ay isang consortium ng apat na kumpanya na kinabibilangan ng Udenna-Chelsea at China Telecom.  | ulat ni Rey Ferrer