Apela ng airport service provider na MIASCOR kay Pangulong Duterte na ikunsidera ang una nitong posisyon hinggil sa kanilang contract termination, hindi na pagbibigyan ng pamahalaan

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ikinunsidera din kasi sa hakbang ng gobyerno ang national interest partikular na ang matiyak ang proteksiyon ng mga pasahero lalo na ang mga overseas Filipino workers (OFWs), gayundin ng mga turista at potential investors kontra baggage theft.

Desidido ang pamahalaan na tuluyan ng tapusin at hindi na bigyan ng pagkakataon ang airport service provider na MIASCOR kasunod ng pasiya mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-terminate na ang kontrata nito.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ikinunsidera din kasi sa hakbang ng gobyerno ang national interest partikular na ang matiyak ang proteksiyon ng mga pasahero lalo na ang mga overseas Filipino workers (OFWs), gayundin ng mga turista at potential investors kontra baggage theft.

Hindi rin aniya minsang nasangkot na ang ilang kawani ng MIASCOR sa luggage pilfirage na bukod aniya sa pinakahuling nabiktimang mag-partner galing Canada ay nakaladkad din ang kumpanya sa insidente din ng pagkawala ng gamit ng asawa ng Turkish diplomat.

Bukod pa duo’y napag-alaman na isang MIASCOR supervisor ang may kinalaman din umano sa iligal na droga.

Kung pag-uusapan ani Roque ay ang mga tauhan ng MIASCOR na posibleng maapektuhan ng contract termination, sinabi ng Palace Spokesman na hindi naman nawawala ang trabaho sa mga paliparan at posibleng kunin o i -absorb naman ng bagong papasok na ground handler company ang mga kuwalipikadong MIASCOR staff. | via Alvin Baltazar