Apat hanggang limang suspek sa pagpatay kay General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote, pinaghahanap pa ng mga autoridad

Apat hanggang limang suspek pa ang tinutugis ng Pambansang Pulisya kaugnay ng kaso ng pamamaslang kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde matapos maaresto ngayong araw ang dalawa sa mga suspek na sina Florencio Suarez at Robert Gumacay sa Del Gallego, Camarines Sur.

Narekober sa mga suspek ang isang kalibre .45 na baril at pitumpung libong piso sa loob ng sinasakyan nilang Toyota Avanza.

Ayon kay Albayalde, kinumpirma ng mga testigo ang dalawang nahuling suspek at ang isa sa mga ito ang gunman o bumaril kay Mayor Bote. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion