Apat arestado matapos mahuling nagpa-pot session sa Valenzuela CIty

Timbog ang apat na indibidwal matapos maaktuhang nagpa-pot session sa isang bahay sa Area 4 Pinalagad, Malinta, Valenzuela City alas dos trenta ng madaling araw kanina.

Nakilala ang mga nahuli na sina Christipher Garcia, 47 anyos,
Rodelio Mamerto, 45 anyos
Anne Navarrra, 36 anyos
at Catherine Sevilla, 36 anyos.
Pawang mga residente ng nasabing barangay ang mga suspek.

Ayon sa mga pulis nakatanggap sila ng isang sumbong mula sa isang residente tungkol sa nangyayaring pot session sa lugar, agad na rumisponde ang kapulisan at naaktuhan ang apat na gumagamit ng hinihinalang shabu.

Nasabat mula sa mga suspek ang  isang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 5 gramo at nagkakahalaga ng P34,000.00, isang cellphone at mga drug paraphernalia.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Photo by Northern Police District