Antipolo Bishop, nagbabala laban sa mga pekeng pari na nagso-solicit ng pera

Nagbabala si Antipolo Bishop Francisco de Leon laban sa umano’y mga nagpapanggap na pari sa kanilang parokya na nanloloko para makapangikil ng pera.

Sa isang circular na ipinadala ng obispo sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), tinukoy nitong nagdudulot na ng problema sa Diocese of Antipolo ang mga pekeng pari na nambibiktima ng mga mass goers.

Kalakip ng liham ang paalala nito sa mga mass attendees na mag-ingat at huwag magpapaloko sa mga nagkalat na pekeng pari.

Hinimok rin nito ang mga Katoliko na agad ipagbigay alam sa Chancery ang sinumang fake priest na nag-aalok ng misa, nagsasagawa ng mga house blessings at nanghihingi ng kapalit na pera o donasyon.