Anti-terrorism Act of 2019, solusyon sa kaguluhan sa Mindanao – Sen. Lacson

Isinusulong ni Senator Panfilo Lacson ang pagpasa sa Senate Bill 2204 o ang β€œAn Act Amending Certain Provisions of Republic Act No. 9372,” otherwise known as “An Act to Secure the State and Protect our People from Terrorism.”

Ayon kay Lacson, ang pagboto pabor sa panukala ay pagboto sa agarang pagbawi ng Martial Law sa Mindanao.

Nakapaloob sa panukala ang ilang binagong kaparusahan at multa sa mga idinagdag na aktibidad sa pagsasagawa ng terorismo sa bansa.

Kabilang din sa panukalang amendments ang pagpapalit ng titulo mula sa “Human Security Act of 2007” to “Anti-Terrorism Act of 2019.”

Binigyan diin ng mambabatas na ang inamyendahang panukala ay mas may ngipin sa paglaban sa terorismo. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes