Aning palay sa Nueva Ecija, maganda at masagana — NIA

 

Nagsimula na ang summer harvest ng palay sa ilang lugar sa Nueva Ecija na kilalang ‘rice grainary’ ng Pilipinas.

Ayon sa National Irrigation Administration (NIA), maganda at masagana ang ani ng mga magsasaka ngayong dry season sa gitna ng laban sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Bunga rin daw ito ng magandang ugnayan at pagtutulungan ng ahensiya at ng irrigators associations sa pamamalakad sa patubigan.

Kumpara noong nakalipas na taon, naibebenta ng mataas ng mga farmer ang kanilang aning palay.

Karamihan sa ani, ay naibebenta nila sa presyo na ₱18.00 kada kilo kapag sariwa, at ₱21 .00 naman pag tuyo na.

Ilan sa mga lugar na nagpatupad na ng summer harvest ang San Jose City, Llanera, Science City of Muñoz, at Talavera sa nasabing lalawigan.