Anim na holdaper kabilang ang taxi driver ng isang PBA player, naaresto ng QCPD

Anim na holdaper kasama ang driver ng PBA player na si Douglas Kramer ang arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng Quezon City Police District.

Arestado sa isinagawang follow-up operation sina Eddie Villanueva at Ronald Calderon na nanloob sa bahay ng negosyanteng si Misela Maling, 44-anyos, sa 648 Calumpit St., corner Bansalangin Brgy. Veterans Village Project 7, Quezon City.

Nahagip ng CCTV camera ang taxi na ginamit na getaway vehicle ng mga holdaper na dahilan para matunton ang kanilang ginamit na REMARK taxi na isang Toyota Vios na may plakang WQL 392.

Lumilitaw na nakapangalan ito sa PBA player na si Kramer na agad naman nakipagtulungan sa Quezon City Police District (QCPD).

Inginuso ni Kramer ang driver kung kaya’t naaresto ito sa #38 Tatco, Bagong Ilog, Pasig.

Lumilitaw na may mga kaso ng pagnanakaw si Valiente sa Valenzuela City.

Samantala, arestado din ang iba pang notoryus na holdaper na sina Mark Oliver Buenaventura, isang 16-year old, mga robbery extortionist na sina Alvin Aluad at Mike Rowell Sucaldito na pawang kumikilos sa QC.   | ulat ni Rey Ferrer