Anggulong politika, kinukunsidera ng PNP sa pagkakapatay sa isang konsehal ng Sto. Tomas, Pangasinan

Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Police Regional Office 1 para tukuyin ang motibo sa pananambang kay Konsehal Benjamin Oculto.

Si Oculto ay pinagbabaril ng grupo ni Junjun Vidal na naaresto makaraang makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis matapos isakatuparan ang krimen.

Ayon kay Poice Regional Office 1 Director C/Supt. Romulo Sapitula, lumalabas kasi sa pauna nilang imbestigasyon na si Oculto lang ang target ng mga suspek.

Dahil dito, hindi isinasantabi ng pulisya na politika ang siyang dahilan ng pananambang sa konsehal lalo’t kumakandidato ito sa pagka-bise alkalde sa bayan ng Sto.Tomas.

Alas-10:30 kahapon nang umaga nang tambangan si Oculto matapos dumalo sa isang church service sa Poblacion East sa nabanggit na bayan.  | ulat ni Leo Sarne