Angat Dam, sumadsad sa pinakamababang lebel ang tubig

Base sa monitoring ng Philippines Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrometeorology Division, hanggang kaninang 6 AM, pumalo na sa 198.79 meters ang antas ng tubig sa Angat dam mas mababa ng .35 cm kumpara sa 199.14 meters kahapon.

Mas malayo na ang pagitan sa normal high water level na 212 meters.

Ayon sa PAGASA, ang patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa dam ay dahil sa kawalan ng ulan sa mga nagdaang linggo.

Napanatili naman ng Ipo Dam ang normal na water level nito, na 101 meters habang ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam ay nasa 76.91 na bahagyang may pagtaas sa 76.90 meters kahapon.

Pero mas mababa pa ito sa 80.15 meters na normal high water elevation.

May bahagyang pagbaba na rin sa water level ng Ambuklao at Magat dam, Binga dam, San Roque, Pantabangan at Caliraya dam.