Angara, iginiit ang paglilibre sa mga “first time jobseeker” mula sa mga bayarin sa mga dokumentong kinakailangan para sa pag-aaplay ng trabaho

Sa Senate Bill 1629, ipinanukala ni Angara na hindi na sisingilin ang mga first time jobseekers ng mga bayarin para sa mga kinakailangang dokumento, kabilang na rito ang police clearance certificate, NBI clearance, barangay clearance, medical certificate mula sa public hospitals, birth at marriage certificate, tax identification number, unified multi-purpose ID card, at iba pang documentary requirements na iniisyu ng gobyerno.

Nanawagan si Senador Sonny Angara para sa pag-apruba ng isang panukalang batas na magtatanggal sa mga bayarin sa gobyerno sa pag-iisyu ng mga dokumentong kinakailangan para sa pag-aaplay ng trabaho ng mga bagong graduates o mga first time jobseekers.

Ani Angara, vice chairman ng Senate Committee on Labor and Employment, lubhang nakakaalarma na ang Pilipinas ay isa sa mga tinukoy na may mataas na antas ng unemployment sa rehiyon.

Aniya, dapat kumilos ang gobyerno para matulungan ang mga naghahanap ng trabaho, lalo na ang mga bagong graduate, para sila’y makahanap ng mapapasukan.

Diin ni Angara hindi na dapat pa silang pahirapan pa sa mga gastusin sa paghahanap ng trabaho.

Sa Senate Bill 1629, ipinanukala ni Angara na hindi na sisingilin ang mga first time jobseekers ng mga bayarin para sa mga kinakailangang dokumento, kabilang na rito ang police clearance certificate, NBI clearance, barangay clearance, medical certificate mula sa public hospitals, birth at marriage certificate, tax identification number, unified multi-purpose ID card, at iba pang documentary requirements na iniisyu ng gobyerno.

Ang mga maaring makinabang sa mga nabanggit na insentibo ay ang mga bagong graduate na nagtapos ng isang bachelor’s degree, ang mga nakatapos ng K-12 program o technical-vocational course mula sa lahat ng schools, colleges at universities, at technical-vocational institutions. | via Jojo Ismael