Madugong pangyayari sa Mandaluyong City na nauwi sa pagkamatay ng mga umano’y maling suspek at pagkasugat ng dalawang iba pa, sisiyasatin

Ayon kay Presidential Spokesman Atty Harry Roque, full investigation ang dapat pa ring isagawa bagamat maaari nang masabing may excessive force na iniaplay ang mga pulis na sangkot sa insidente ng mistaken identity.

Tiniyak ng Palasyo na sisiyasating mabuti ang madugong pangyayari kagabi sa Mandaluyong City na nauwi sa pagkamatay ng mga umano’y maling suspek at pagkasugat ng dalawang iba pa.

Ayon kay Presidential Spokesman Atty Harry Roque, full investigation ang dapat pa ring isagawa bagamat maaari nang masabing may excessive force na iniaplay ang mga pulis na sangkot sa insidente ng mistaken identity.

Ang mahalaga ayon kay Secretary Roque ay malimitahan na ang galaw ng mga isinasangkot na miyembro ng Mandaluyong Police na kasama sa umano’y palpak na police operation bunsod ng ginawang pagtugis sa mga maling target.

Marapat lang ayon sa Palace Spokesman na disarmado na ang mga pulis na tiyak na daraan sa masusing pagsisiyasat kabilang na kung nasunod ba ang rules of engagement sa naging aksiyon ng mga ito.

Sa ngayon ay administratively relieved na ang may sampung kagawad ng Philippine National Police (PNP) na sabit sa lumulutang na anggulo ng mistaken identity. | via Alvin Baltazar