Anak na babae ni SGMA, binigyan ng pwesto sa pamahalaan ni Pangulong Duterte

Binigyan ng posisyon sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-iisang anak na babae ni dating Pangulo at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Base sa ipinalabas na appointment papers ng Malacañang, itinalaga ng Pangulo si Evangeline ‘Luli’ Arroyo-Bernas bilang isa sa mga bagong manunungkulan sa pamahalaan sa ilalim ng Duterte administration. Hinirang niya ito bilang chairperson ng National Museum board of trustees.

Bukod kay Arroyo-Bernas, itinalaga din ni Pangulong Duterte si retired Army Colonel at Bases Conversion and Development Authority Director Yusop Jimlani bilang Presidential Adviser on Local Extremist Groups Concerns.

Itinalaga din ng Pangulo si Ramon Ike Señeres, bilang board of director member ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). | ulat ni Alvin Baltazar