Amphibious landing exercise ng Balikatan 2018, nagsimula na sa Zambales

Nagsimula na ngayong umaga ang Amphibious Landing Exercises na bahagi ng Balikatan 2018 na pormal na binuksan nitong Lunes, Mayo 7.

Ang joint exercise sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at U.S military ay isinasagawa sa Naval Education Training Command sa San Antonio, Zambales.

Dito ma-eensayo ang “interoperability” o kung paano sabayang kumilos ang dalawang pwersa.

Ayon kay Lt. Liezl Vidallon, Balikatan Public Affairs Director, kakaiba sa mga naunang joint military exercises, mas mataas ngayon ang antas ng pagsasanay ng mga sundalo na lalahok sa Balikatan.

Itatatampok kasi ngayon ang pagsasanay sa mga man-made calamities katulad ng sitwasyon sa terrorist-attack scenario.

Nabatid na una nang kumalat ang balita na sarado sa media ang coverage ng Balikatan pero binawi ito ng AFP at sinabing bukas na ito sa media.

Samantala, isa rin sa magiging highlight ng Balikatan ang gagawing combined arms live fire exercise sa Colonel Ernesto Rabina Air Base o Crow Valley sa Tarlac sa Mayo 15. | via Leo Sarne

 

Photo courtesy of the United States Marine Corps Website