Amnestiya ni Senador Trillanes, pinawalambisa ni Pangulong Duterte

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang pagpapawalambisa sa amnestiya na una nang ipinagkaloob ng gobyerno kay Senador Antonio Trillanes.

Ito ay sa pamamagitan ng Proclamation No. 572 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakalipas na Agosto 31.

Ilan sa mga naging dahilan ng pagpapawalambisa sa amnestiya ni Trillanes ayon kay Guevarra ay ang hindi pagtugon nito sa requirements na itinatakdang kondisyon sa pagkakaloob ng amnesty.

Halimbawa na dito ang hindi pag-amin ng kanyang pagiging guilty noong July 2003 Oakwood Mutiny, Marine Standoff noong February 2006 at Manila Peninsula Siege noong taong 2007.

Ayon kay Guevarra, nangangahulgan ito na muling sasalang sa paglilitis si Trillanes sa military tribunal gayung hindi pa naman tapos ang kaso nito.

Posibleng mapasailalim din aniya ito sa kostudiya ng militar habang dumaraan sa court martial.

Ipinagkaloob ang amnesty kay Trillanes ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong taong 2010. | ulat ni Alvina Baltazar