Amerikano, arestado ng dahil sa patong-patong na kaso abroad

Arestado ang isang American national sa isinagawang operasyon ng Bureau of Immigration (BI) operatives sa bisa ng mission order mula kay Immigration Commissioner Jaime Morente.

Nahuli ang suspek sa kanyang tinutuluyan sa Bonifacio Subdivision sa Angeles City matapos hilingin ng US Embassy na arestuhin ang suspek dahil sa kasong tinakasan nito sa Florida.

Ayon sa impormasyon ng Immigration bureau mula sa US Embassy, may warrant of arrest na si Thompson mula sa US District Court sa Middle District of Florida para sa kasong unauthorized cyber access and intrusion, at possession of child pornography and firearm.

Kasalukuyan ngayong nakapiit sa BI facility sa Taguig ang suspek, habang nakatakda itong ideport pabalik ng Amerika dahil sa pagiging undesirable at undocumented alien nito.