Alokasyon ng tubig sa MM, limitado pa rin kahit lagpas na sa normal operating level ang tubig sa Angat Dam — Maynilad

Nananatili pa rin sa 36 cubic meters per seconds (cms) ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila at katabing mga probinsiya sa buong buwan ng Agosto.

Ito’y sa kabila na lumagpas na sa normal operating level ang antas ng tubig sa Angat Dam.

Ayon sa Maynilad Water Services Inc., ang normal allocations na ibinibigay sa Metro Manila ay 48 cms.

Base sa pinakahuling monitoring sa Angat Dam ng La Mesa Common Purposed Facilities, as of 6 AM kanina, nasa 180.75 meters na ang water elevation ng dam mula sa 180.20 meters kahapon ng alas-12:00 ng tanghali.  Bahagyang tumaas sa minimum operating level na 180 meters.

Ang Ipo Dam naman ay nasa 101.09 meters, mula sa 101.03 meters kahapon ng tanghali na lagpas na din sa maintaining level na 101 meters.

Habang ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam sa Quezon City ay pumalo na din sa 77.11 na mas mataas sa 76.90 kahapon ng tanghali.

Ang normal water elevation ng La Mesa Dam ay 80.15 meters

Ayon naman sa rainfall advisory na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA weather bureau kaninang alas-5:13 ng umaga, asahan pa rin na magkaroon ng light to moderate rains sa bahagi ng Nueva Ecija, Pampanga, Laguna, Rizal, Bulacan at Quezon Province.

Ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ay dala ng bagyong Jenny.