Allowance ng mga BHW, dapat taasan oras na ipatupad na ang Mandanas ruling

Umapela si BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co sa mga LGU na itaas ang natatanggap na allowance ng mga barangay health workers.

Kasunod na rin ito nang napipintong implementasyon ng Mandanas-Garcia ruling ng Supreme Court na magbubunsod sa paglaki ng makukuhang pondo ng bawat LGU.

Ayon kay Co, nasa higit 27 percent ang tinatayang itataas ng internal revenue allotment ng bawat LGU sanhi ng Mandanas-Garcia ruling, panahon na rin para itaas ng at least 27 percent ang allowance ng bawat BHW.

Batay kasi aniya sa LGU Health Scorecard ng Department of Health ang mga lalawigan ay hinihikayat na ilaan ang 22% ng kanilang kabuuang pondo para sa kalusugan at tanging 3-5% lamang ang para sa BHWs.

Diin ng kinatawan, hindi ito mahirap na maipatupad sapagkat matagal nang nagsasakripisyo sa mababang allowance ang ating mga BHWs na pumapalo lamang sa P500 hanggang 1000 kada

Dagdag pa ng mambabatas, napapanahon ito bilang tugon sa hamon ng kasalukuyang pandemya at pandemya sa hinaharap.